LIMANG PARAAN KUNG PAANO KA MAKAKATULONG SA KALIKASAN
1.Magtanim ng mga puno at halaman sa bakuran.
Upang sa ganoon ay hindi madaling bahain ang ating lugar at nakagaganda pa ng ating kapaligiran.
2.Ugaliing magtapon ng basura sa tamang lalagyan at iseperate ang mga ito.
Upang maging malinis ang ating kapaligiran at kaaya-aya itong tignan.
3.Makilahok sa mga proyekto sa barangay na tumutulong upang pangalagaan ang kalikasan.
Upnag maging mabilis at madali ang mga gawain sa barangay, makatulong ka sa ating kapaligiran at magkakaroon ka pa ng mga kaibigan.
4,Huwag magsunog ng mga basura lalo na ang mga plastik at mga bagay na gawa sa goma.
Upang hindi masira ang ating ozone layer dahil ang usok na nanggagaling dito ay dahilan ng pagnipis ng ozone layer.
5.Turuan ang ating mga nakababatang kapatid na pangalagaan ang kalikasan.
Upang sa gayon ay maging inspirasyon ka sa iyong nakababatang kapatid ast pati narin sa iba.
Kahit na maliliit na bagay lamang ang mga ito ay malaki ang maitutulong sa pangangalaga sa ating inang kalikasan.Halina't sama-sama nating pangalagaan ito para sa KINABUKASAN AT KILIGTASAN NG KALIKASAN.
Comments
Post a Comment